1patay sa QC shootout

MANILA, Philippines - Patay ang isa sa dalawang holdaper nang makipagbarilan sa isang pulis na rumesponde sa panghoholdap ng mga ito sa isang driver kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing suspek na si Ramil Juzgaya, 31, alyas Lupin ng Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-4:10 ng hapon sa harap ng Gubat sa Ciudad, Balintawak, Brgy. Balingasa sa lungsod nang holdapin ng dalawang lalaki ang biktimang si Feliciano Padilla, 46, driver, ng Brgy. 130, Caloocan City at tinangay ang P160.00. Tumakas ang mga suspek patungong Edsa na tiyempo namang nagpapatrulya si PO2 Villas at hinabol ang mga suspek.

Nagpaputok  si Juzgaya kaya’t napilitang gumanti si PO2 Villas na ikinasawi nito. Habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.

Show comments