^

Police Metro

Kelot na tangkang magpasok ng shabu at baril sa mall, tiklo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga security guard at pulis ang isang lalaki na tangkang magpapasok ng shabu at baril  sa isang mall sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Isagani Villarin, ng no. 52 San Francisco Street, Brgy. Karuhatan, ng naturang lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Valenzuela City Police chief Sr. Supt. Rhoderick Armamento, dakong alas-6:45 ng gabi nang nagtangkang pumasok sa kilalang mall  sa may Mac­Arthur Highway, Brgy. Karuhatan ang suspek.

Sinita ito ng security oficer na si Maricel Alvena nang mapansin na may dala itong baril.

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 9 na nakadetalye sa bisinidad ng mall at dinakip ang suspek.

Nang kapkapan ang suspek ay nasamsam dito ang dalawang plastic sachet ng shabu at isang kalibre .38 na may limang bala.

Hinala ng pulisya, posibleng ginagamit ng suspek ang naturang mall sa iligal na gawain.

Ang suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.

ARTHUR HIGHWAY

BRGY

COMPREHENSIVE DANGE

DRUGS ACT

ISAGANI VILLARIN

KARUHATAN

MARICEL ALVENA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

RHODERICK ARMAMENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with