Hirap sa buhay, mister nagbigti
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 29, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pagbibigti ang naisip na paraan ng isang mister para takasan ang hirap ng buhay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on- arrival sa San Lorenzo Ruiz Hospital ay kinila­lang si Richard Ramos, 34-anyos, ng MH Del Pilar St., Santolan ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang madiskubre ang pagbigti ng biktima ng kanyang anak na si Charlene.

Humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Charlene upang makalag ang kable sa pagkakatali at isinugod ang ama sa pagamutan.

Isang suicide note ang natagpuan na kung saan ay humihingi ng kapatawaran si Ramos sa pamil­ya at nagawa lamang niya ang pagbibigti dahil sa kakapusan ng kanilang pamilya sa pera. 

Nakasulat din sa suicide note ang sama ng loob nito sa mga kaanak ng kanyang misis na umano ay hindi tumulong sa kanila.

 

BATAY CHARLENE DEL PILAR ST. HUMINGI ISANG MALABON CITY NAKASULAT RICHARD RAMOS SAN LORENZO RUIZ HOSPITAL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with