CIDG bumuo ng elite team

MANILA, Philippines - Bumuo ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Task Force Pivot, isang elite team na nakapokus para ibaba ang crime rate at mga unsolved high profile crime cases

Ayon kay CIDG chief Director Benjamin Maga­long, may 15 dedicated teams na detectives at investigators ang ipapakalat bilang parte ng task group, katuwang ang local police na nakatuon sa mga insidente ng krimen sa Metro Manila.

Hinalimbawa ni Magalong ang pag-ambush sa racer champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor, ang pagpatay sa journalist na si Rubylita Garcia sa Cavite, at ang kaso ng pagpatay sa isang Australian national sa Cavite.

Nilinaw nito na bagama’t ang CIDG ay regular na ginagawa ang anti-criminality, ang pagbuo ng task group ay nangangangahulugang ang kanilang kakayahan ay nakapokus sa Metro Manila.

Susuriin ng CIDG ang kanilang progreso base sa scorecards bilang basehan kung ano ang kanilang nakamit o hindi nakamit.

Show comments