Joy B, pangungunahan ang ‘One Pink Day’

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon ay bibigyang pugay sa Pilipinas ang mga kasapi ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) society sa proyektong “One Pink Day” ng The Pink Management Inc., sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte.

Isasagawa ang programa sa QC Hall lobby sa July 20,2014  na katatampukan din ng  pagsasagawa ng fun run, palaro, mga pananalita at Mang Dolphy contest.

Ang komedyanteng si Dolphy ang kinikilala ng LGBT community na isa sa mga nagpatingkad sa mga 3rd sex dahil sa paggawa nito ng mga gay movies.

Ang registration ay nagsimula nitong Hulyo 1 at magtatapos sa Hulyo 17.

 

Show comments