Hirap sa buhay nagbigti sa center island

MANILA, Philippines - Hindi na umano nakayanan ng isang manga­ngalakal ng basura ang hirap ng buhay na kanyang nararanasan kung kaya’t winakasan na nito ang sarili sa pamamagitan nang pagbibigti sa puno sa center island sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ang biktima na natagpuang nakabigti sa puno sa center island ng Araneta Avenue,  Brgy.  Siena ay kinilalang si Roger Amores, 23.

Sa salaysay ng ka-live in ng biktima na si Mary Grace Maceda, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang madiskubre ang nakabiting katawan ng asawa.

Sinabi ni Maceda na nagising na lang siya na wala na sa kanyang tabi ang biktima at nang tumi­ngin siya sa itaas ay laking gulat nang makita itong nakabigti sa puno.

Ang dalawa ay may munting kariton na nagsisilbi nilang bahay at ginagamit din nila sa panga­ngalakal ng basura bilang kanilang hanapbuhay.

Show comments