Fetus bumara sa inidoro

MANILA, Philippines - Dahil sa pagbara ng inidoro ay natuklasan ang isang fetus ng lalaki ang sanhi ng pagbabara sa isang apartment sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang  madiskubre ang tinatayang nasa 5-6 buwang fetus sa loob ng  banyo ng isang apartment na matatagpuan sa no. 1274 C.M. Recto Ave­nue  corner Buenavidez St., Binondo, Maynila.

Sa salaysay ng boy ng apartment na si Regie Almodiel, 29 ay agad niyang inayos ang reklamo ng ilang te­nants hinggil sa baradong inidoro at doon niya nadiskubre ang nakabarang fetus na nakasilid sa isang plastic bag.

Show comments