Love triangle tinapos sa taga

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang buko vendor ang pagpatol ng kanyang live-in partner  sa kapwa niya vendor  matapos na sila ay maghiwalay at sa sobrang selos nang makita na magkasama ay pinagtataga niya ito kamakalawa ng gabi sa harap ng St. Peter Church, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Benjie Diaz, vendor ng kwek-kwek mula sa mga taga sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ng suspek na si Raymond Irangan.

Batay sa ulat,bago nangyari ang krimen dakong alas-10:45 ng gabi sa nasabing lugar ay nakipaghiwalay sa suspek ang hindi pinangalanang nobya nito noong Disyembre.

Nabalitaan ng suspek kamakailan na sumama ang dating live-in sa biktima na ikinasama nito ng loob kaya’t nagtanim ng galit.

Kaya’t habang naglalakad ang biktima at dating live-in ay biglang sumulpot ang suspek na armado ng bolo at  pinagtataga ang una sa katawan at likurang bahagi ng ulo na ikinasawi agad nito.

 

Show comments