Nanay, sanggol nasagasaan

MANILA, Philippines - Malubha ang kalaga­yan ng isang ina at 10 buwan gulang  nitong anak na lalaki matapos na aksidenteng masaga­saan ng isang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Kilometer 12, Brgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Oche Devera Sarabia, 25-anyos at 10 buwang sanggol nitong si Tyron.

Sa ulat, dakong alas-11:25 ng umaga ay kasaluku­yang naglalakad ang ginang karga ang anak sa kahabaan ng national highway ng Kilometer 12, Brgy. Manapa, Buenavista nang masagasaan ng humahagibis na Honda XRM  125 motorcycle (1137 IA) na minamaneho ni Alan Solen, 43-anyos.

Sa lakas ng pagkakasalpok  ay  humampas sa kalsada ang ulo at katawan ng ginang na nabitiwan pa ang sanggol.

Mabilis na dinala sa Agusan del Norte Provincial Hospital ang mag-ina. Habang ang driver ay nahaharap sa kasong kriminal.

 

Show comments