^

Police Metro

4 rebeldeng NPA, 1 sundalo todas sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang 4 mi­yembro ng mga rebeldeng New People’s  Army (NPA) at isang sundalo nang magkasagupa kamakalawa sa Manay, Davao Oriental.

Sa ulat ni Captain Alberto Caber, Public Affairs Office (PAO) Chief ng AFP-Eastern Min­danao Command, dakong alas- 8:30 ng umaga nang masabat ng mga elemento ng Army’s 67th Infantry Battalion (IB) ang NPA rebels sa Sitio Matabang, Brgy. Taocanga sa nasabing bayan na kung saan ay agad nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng tatlong rebelde at isang sundalo na hindi muna pinangalanan.

Napilitan naman ang mga rebelde na magsiatras dahilan sa higit na ma­lakas ang puwersa ng mga sundalo.

Bago nangyari ang bakbakan ay iniulat ng mga residente sa lugar ang presensya  ng mga armadong rebelde na na­ngingikil sa kanilang hanay  kaya nagresponde ang mga sundalo na nauwi sa bakbakan.

Narekober  sa pinangyarihan ng engkuwentro ang  dalawang M16 rifle, isang AK47 rifle, isang M14 rifles, tatlong landmines, isang cellphone at mga subersibong dokumento.

vuukle comment

BRGY

CAPTAIN ALBERTO CABER

DAVAO ORIENTAL

EASTERN MIN

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

SITIO MATABANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with