5 miyembro ng robbery group, nasakote

MANILA, Philippines -Nasakote ng mga otoridad ang 5 miyembro ng kilabot na “Cuya Robbery/Carnapping group” na res­ponsable sa serye ng panghuholdap at pamamasok sa mga kabahayan sa Quezon sa isinagawang pagsalakay sa kanilang lungga.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jaime Barcelon Jr., 36; Bhal Katian, 45; Martin Ivan Diaz, 23; Alvin Alcantara, 31; at Elmer Barcelon, 34; pawang mga residente sa Sto Cristo St., Brgy. Balingasa. Habang nakatakas ang lider nilang si Jonathan Cuya.

Nangyari ang insidente  ganap na alas-3:30 ng hapon sa may isang bahay sa Brgy. Balingasa na lungga ng mga suspek nang isisilbi sana ng tropa ng CIDU ang warrant of arrest laban kay Cuya nang biglang magpulasan sina Cuya at Barcelon Jr., nang makita ang presensya ng mga otoridad.

Hinabol naman ng mga operatiba si Cuya at puwersahang binuksan ang pinto at nadakip sina Bhal Katian; Martin Ivan Diaz; Alvin Alcantara; Elmer Barcelon at Barcelon Jr., na nakumpiskahan ng  isang granada at isang plastic sachet ng shabu.

Show comments