Brodkaster bulagta sa tandem

MANILA, Philippines - Isang radio broadcaster ang namatay nang pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo kahapon ng umaga sa Tagum City, Davao del Norte.

Sa ulat, dakong alas-8:55 ng umaga nang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima na si Rogelio “Tata” Butalib, 44, commentator sa programa nitong “Ang Kamatuoran” o ang Katotohanan sa Tagalog sa Radyo Natin sa Tagum City.

Nabatid na bigla na lamang sumulpot sa kanto  ng Sobrecarey at Roxas Sts. Brgy. South, Tagum City ang motorcycle ri­ding-in-tandem at pagbabarilin ang biktima.

Nabatid na katatapos lamang ng programa ng biktima  na isa ring nahalal na barangay kagawad nang mangyari ang pananambang.

Show comments