7 katao tupok sa Davao Oriental fire

MANILA, Philippines - Pitong katao sa Davao Oriental ang nasawi matapos na masunog ang tatlong establisyimento kasama ang tindahan ng pintura kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SFO2 Jessie Duarte, hepe ng Bureau of Fire Protection na ang sunog ay nagsimula dakong alas-11:00 ng gabi sa  Palomares Paint Store, Barangay Poblacion  na ikinasawi ng pitong empleyado na  kinilalang sina Emily Dabaquid, Eileen Andoyo, Jessilie Cabrera, Bernadette Budadong, Jobert Tinggal, Joseph Tinggal, at Dan Abusilla.

Patuloy ang imbestigasyon kung saan nagsimula ang sunog at kung bakit hindi nakalabas ang mga empleyado sa nasusunog nilang tindahan.

 

Show comments