Barker pinatahimik ng nakamotor

MANILA, Philippines - Pinatahimik ng isang lalaki na sakay na  motorsiklo ang isang barker ng pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nasawi noon din ang biktima na si Antonio Centino, 61, ng Abbey Road, Barangay Bagbag, Quezon City.

Sa ulat, ganap na alas-7:45 ng gabi sa may harap ng Angel’s Hamburger outlet na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Highway, Barangay Bagbag ay nakatayo ang biktima nang lumapit ang suspek at binaril sa ulo ang biktima.

Nang bumuwal ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Show comments