^

Police Metro

PO1 tinodas sa pag-uwi ng bahay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang pulis na sakay ng motorsiklo pauwi sa kanilang bahay matapos barilin sa batok ng hindi pa nakilalang suspek sa kahabaan ng Maguyam Road, Brgy. Maguyam, Silang, Cavite.

Ang biktima ay nakilalang si PO1 Hasim Farinas, 32, ng Blk. 4, Lot 3, Mabuhay City, Brgy. Mamatid, Cabuyao, Laguna at nakatalaga sa Silang Police Station.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang bahay at habang binabagtas ang liblib na lugar ay bigla na lamang sumulpot ang hindi pa kilalang suspek at binaril ito sa batok.

Nang bumulagta ang biktima ay tinangay ng suspek ang service firearm nito.

Malaki ang hinala ng pulisya na matagal nang inaabangan ng suspek ang biktima dahil sa alam nito ang dinaraanan sa pag-uwi.

BATAY

BRGY

CABUYAO

CAVITE

HASIM FARINAS

MABUHAY CITY

MAGUYAM

MAGUYAM ROAD

MALAKI

SILANG POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with