Kabuhayan Trade Fair binuksan ng Congressional Spouses

MANILA, Philippines - Pormal na binuksan kahapon ng Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) ang isang national trade fair na tinawag na Kabuhayan 2013 sa Megatrade Hall 2 sa SM Mega­mall at  ipinama­malas ang iba’t ibang local products, tourist desti­nations sa buong­ bansa para makilala ng buong mundo.

Ayon kay House Speaker­ Feliciano “SB” Belmonte na mahigit 100 exhibitors na kanilang natulungan  mula sa iba’t ibang lugar sa buong bansa ang kasali sa naturang trade fair para maipakilala sa buong mundo ang produkto at gawang Filipino tulad ng handicrafts, kasuotan, prutas, kakanin, wellness products, household items at accesories. 

Ang trade fair ay mag­­tatagal hanggang sa Nobyembre 10,  2013  mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Kasama sa trade fair ang Sikap Buhay Entre­­pre­neurship and Coope­rative Office (SBECO), ang QC government’s arm para sa proteksiyon at ka­pakanan ng mga city-based entrepreneurs na sinusuporta­han ng CSFI  kung saan si  QC Vice Mayor Joy Bel­monte  ang Presidente.

Show comments