Lookout order vs Misuari, 3 pa

MANILA, Philippines - Nasa lookout order na ng Bureau of Immigration (BI) sina Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari, Ustadz Habier Malik, Bas Arki at Assamin Hussin kaugnay sa ginawang paghahasik ng kaguluhan sa Zamboanga City na tumagal ng tatlong linggo.

Una nang ipinagharap ng Department of Justice ang mga nabanggit na indibidwal at iba pa ng kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act No. 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

Show comments