Fetus sa simbahan

MANILA, Philippines -Inamin ng hindi nagpakilalang ina sa iniwan nitong kapira­song sulat na wala si­yang kakayahan na buhayin ang limang buwang sanggol na nasa kanyang sinapupuna dahil sa kakapusan ng pera kung kaya’t nagawa niya itong ipa-abort at ang fetus ay iniwan sa isang simbahan sa Quezon City.

Nabatid na dakong alas-8:30 ng gabi nang matagpuan ng isang parishioner na si Evangeline Tuprio ang isang kahon ng cell phone na naglalaman ng fetus na puno ng bulak sa lapag ng pribadong dasalan sa Blessed Sacrament of St. Joseph Shrine na matatagpuan sa Aurora Blvd., malapit sa panulukan ng Anonas St., Brgy. 3-A Pro­ject 3.

May nakalagay itong sulat na “Diyos na lumikha” at naka-address na “Dear Father” at humihingi ng patawad sa kanyang ginawa sa fetus na ti­na­wag niyang “Baby John”.

Show comments