Truck nawalan ng preno: 1 dedo

MANILA, Philippines - Dedo ang isang emple­yado habang lima pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos mawalan ng preno at araruhin ng isang dump truck ang isang gusali sa palengke ng Alfonso Cavite, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Larry Majesterio, 52, binata empleyado ng Cavite Batangas Transport Cooperative, residente ng Poblacion 5, Alfonso Cavite, matapos masagasaan ng truck na halos malasog at madurog ang katawan at ulo.

Kritikal naman ginagamot sa magkakahiwalay na pagamutan sina Roberto Boenillo, 22, peanut vendor; Glenda Poblete, 43; Reynaldo Odias, 49; Leodecario Alilio, 59 at ang driver ng dump truck na si Jay Francisco, 21. Sa imbestigasyon ni PO1 Boyet Soriano may hawak ng kaso ganap na alas-2:05 ng hapon ng maganap ang insidente sa palengke ng Alfonso Cavite.

Ayon sa report, habang minamaneho ni Francisco ang truck na puno ng lupa nang mawalan umano ito ng preno at sinuyod ang isang gusali sa loob ng palengke, na noong mga oras na iyon ay nandoon ang mga biktima.

Show comments