Amain nilait ang anak inutas

MANILA, Philippines - Kamatayan ang re­sulta nang ginawang panlalait ng isang amain sa iniha­handang pagkain sa tanghalian ng kanyang stepson nang siya ay saksakin nito kahapon sa Navotas City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa ti­na­mong dalawang tama ng saksak sa dibdib ay kinila­lang si Gregorio Diego, 46, ng Old Fish Port, Barangay North Bay Boulevard North ng natu­rang  lungsod.

Ang suspek na tuma­kas ay nakilalang si Roefer Evangelista, 20,  residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-12:00 ng tanghali ay lasing na umuwi ang biktima sa bahay nang maabutan nitong naghahanda ng pa­nanghalian ang suspek.

Nilait umano ng biktima ang pagkain na inihahanda ng suspek at hindi pa nasiyahan ay pinagmumura pa.

Nairita ang suspek at nagdilim ang paningin kaya kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak ang amain.

 

Show comments