Dalaga ginahasa na, ninakawan pa ng P24K ng chatmate

MANILA, Philippines - Halos bagsakan ng la­ngit at lupa ang isang 21-anyos na dalaga matapos siyang gahasain ay ninakaw pa ang kanyang P24,000 ng isang lalaki na kanyang ka-chatmate naganap kama­kalawa ng gabi sa Pasig City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Cristy, 21, residente ng Diego Silang St., Makati, City.

Habang ang suspek na nadakip sa follow-up ope­ration ng Eastern Police District (EPD) ay nakilalang si Romulo Lozada Jr., 40, ng #3305 Grand
Eme­­rald Tower, Emerald Ave­­nue, Ortigas Center, Pasig City.

Sa salaysay ng biktima na halos anim na buwan din umano silang magka-chat ng suspek na ang laging kanilang pinag-uusapan ay tungkol sa negosyo na E-load networking at ki­numbinsi na mag-invest ng P24,000 dahil sa malaki umano ang balik nito.

Nagkasundong magkita ang dalawa kamakalawa ng gabi sa Ortigas Center, Pasig City para ibigay ang investment money ng bik­tima at dito ay niyaya ng suspek ang una sa kanyang condominium para makita ang iba pang investor.

Tiwala na pumayag ang biktima at pagpasok sa nasabing condominium ay agad umanong ikinandado ng  suspek ang pinto at doon na siya ginahasa nito.

Show comments