Magkaibigan nakipagkita kay Kamatayan

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang magkaibigan na ang kanilang pakikipagkita sa isang drug pusher ang magiging dahilan ng ka­nilang kamatayan matapos na sila ay pag­ba­barilin kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Ang mga biktima na na­­tagpuang patay ay nakilalang sina Melvin Torredes, 33, may-asawa, nakatira sa #3298 Pateros St., Barangay Olympia at Nicko Presno, 29, ng Block 100, Lot 3, Jacinto St., Barangay Rizal, kap­wa na tadtad ng mga bala ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatagpo ng magkaibigan na naki­lalang si Rhey Paul Ginez “alias Revo”, isa umanong tulak ng droga.

Sa salaysay ni Marife De Jesus, na nakatanggap ng text ang kanyang live-in na si Torredes mula kay Presno, na ma­kikipagkita sa kanila si Ginez.

Iyon na ang huling na­kitang buhay ni De Jesus ang live-in partner.

Patuloy ang imbesti­gas­yon kung may kina­la­man sa droga ang mo­tibo ng pag­patay sa mag­kai­bi­­gan.

 

Show comments