^

Police Metro

Motor vs motor: 3 dedbol

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang tatlong kalalakihan habang nasa kritikal na kondis­yon ang isa pa matapos magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang mga nasawi dahil sa pinsala sa kanilang mga ulo ay kinilalang sina Efren Dagooc Jr., 23; Carmelito Umadlao Jr., 25, kapwa residente ng Damong Maliit, Quezon City at Marden Borres, 17,  ng Urban Homes, Bagumbong, Caloocan City.

Patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng pinsala sa katawan si Peter Paul Dimataga, 17, ng Damong Maliit ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng Caloo­can City Police Traffic Bureau, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa Camarin Road, Camarin ng lungsod.

Bago nangyari ang aksidente ay minamaneho ni Jay Alcantara, 33, ng La Forteza, Camarin ng nabanggit na lungsod at driver ng pampasaherong jeep (NEW-149) at binabagtas ang kahabaan ng Camarin Road na kung saan ay kasunod ang motorsiklo na minamaneho ni Borres na Yamaha (3177-TJ).

Dito ay inoberteykan ni Borres ang jeep ni Alcantara at sa bilis ng pagmamaneho ay hindi na nito nakontrol ang manibela at hindi nakapagpreno kaya’t sumalpok sa kasalubong na Kawasaki Fury (1632-KJ) na minamaneho ni Dagooc kaangkas sina Dimataga at Umadlao.

Sa lakas ng salpukan ng dalawang motorsiklo ay tumilapon ang mga biktima ng ilang metro at una ang mga ulo na bumagsak sa semento.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may pananagutan ang driver na si Alcantara sa insidente.

 

BORRES

CALOOCAN CITY

CAMARIN ROAD

CARMELITO UMADLAO JR.

CITY POLICE TRAFFIC BUREAU

DAMONG MALIIT

EAST AVENUE

EFREN DAGOOC JR.

JAY ALCANTARA

KAWASAKI FURY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with