Mining firms umayuda sa mga biktima ni Pablo
MANILA, Philippines - Sisimulan sa araw na ito ng Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA), isang asosasyon ng mga kompanya sa pagmimina, ang pagdadala ng relief goods sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Pablo sa Compostela Valley at Davao del Sur.
Nagkaloob ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI), miyembro ng PMSEA mula sa South Cotabato, ng P500,000 bilang ambag sa pondo ng PMSEA at naglaan ng panibagong P500,000 para sa relief mission ng kompanya sa mga lugar na napinsala ng bagyo.
Umabot na sa P3 milyon ang pondo ng PMSEA hanggang kahapon na gagamitin sa pagbili ng mga tent, pagkain, maiinom na tubig at gamot.
Nakipag-ugnayan din ang SMI sa local government units (LGUs) at mga samahang sibiko sa Mindanao upang magbigay hindi lamang ng relief goods kundi isang pangkat ng mga doktor na aayuda sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. Ipinagpaliban din ng SMI ang mahalagang okasyon ng kompanya sa Davao del Sur sa linggong ito upang ang pondo nito ay magamit sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Pablo.
- Latest