Pulis vs Adik todas pareho

MANILA, Philippines - Isang pulis ang bi­naril at napatay ng pinasusukong drug addict gamit ang baril ng una habang napatay din ito ng mga kasamahan ka­hapon ng umaga sa Ta­guig City.

Ang nasawing pulis ay kinilalang si PO3 Antonio Reyes, nakatalaga sa Sector 6 ng Taguig City Police Station na nagtamo ng tama ng bala sa ulo mula sa inagaw na baril ng suspek na si Gene Valdez, 27 na napatay naman ng mga ka­sa­mahan ni Reyes.

Sa inisyal na ulat ng Ta­guig City Police, bago na­ganap ang krimen da­­­­kong alas-7:00 ng umaga sa may Frisco Road, Brgy. Ibayo Tipas, ng lungsod ay hu­mi­­ngi ng responde ang mga residente sa pulisya dahil sa pagwawala ng suspek na sinasabing dayo la­mang sa kanilang lugar.

Dito ay agad na rumes­ponde ang mga pulis sa lugar na kung saan ay nilapitan ni Reyes ang suspek na armado ng tubo at pinakiusapang ku­mal­ma.

Ngunit nagtangka uma­nong manlaban ang suspek kung kaya’t pina­putukan ni Reyes ang sus­pek na nadaplisan sa ulo.  

Sa pag-aakalang wa­lang malay ay nilapitan ni Reyes ang suspek subalit bumangon ito at mabilis na hinampas ng tubo sa ulo si Reyes at bumagsak.  

Hindi naman agad na­kakilos ang mga kasama­han ni Reyes makaraang maagaw ng suspek ang baril nito at barilin sa ulo ang pulis.

Dito na gumanti ng putok ang mga kasama­hang pulis ni Reyes at bi­nistay ng bala ang suspek na hinihinalang lango sa iligal na droga.  

Naisugod pa sa Rizal Me­dical Center si Reyes ngu­nit nalagutan rin ng hi­ninga.

Show comments