Aleng pulis sinuntok ng Koreano

MANILA, Philippines - Isang Korean national na nakilalang si Choung Youn Jin, 28, ang dinakip ng pulisya matapos nitong suntukin ang isang babaing pulis kamakalawa ng alas-7:30 ng gabi sa loob mismo ng Fort Bonifacio Police Community Precinct sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Dito ay kinukuwestiyon ng duty officer na si SPO1 Raquel Simon ang suspek nang pagmumurahin umano siya nito, isinalya sa dingding ng opisina, hinablot ang kanyang uniporme at sinuntok pa sa braso. Agad namang pinagtulungang awatin ng mga pulis at tanod ang lasing na dayuhan at inaresto. Nahaharap ngayon sa kasong direct assault at malicious mischief ang suspek.

 

Show comments