Mag-amang Belmonte pinangunahan ang pagbubukas ng ‘Kabuhayan project’

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina House Speaker Sonny Belmonte, QC Vice Mayor Joy Belmonte at DTI Secretary Gregory Domingo ang pagbubukas ng Kabuhayan 2012 project ng Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) sa SM Megamall Ortigas kahapon.

Sa pahayag ni Speaker Belmonte, na malaki ang tulong ng CSFI na nagpapakita at nagpapamalas ng mga nagawang  produkto sa Metro Manila at maipaalam sa publiko na hindi natutulog ang mga probinsiya sa mga ambisyon na mapahusay ang kalidad ng kanilang pamumuhay .

Kinilala din ni Speaker Belmonte ang mga exhibitors mula sa iba’t ibang lalawigan dahil sa ginawang pakikiisa para matiyak ang tagumpay ng proyektong ito ng CSFI ngayong taon.

Sinabi naman ni Vice Mayor Belmonte na siyang Pangulo ng CSFI na ang proyekto ay may malaking pakinabang sa mga micro enterprises upang sumig­la ang kanilang negosyo para sa kapakanan ng kani-kanilang mga pamilya.

Ang proyekto ay nagsi­mula kahapon na magta­tapos sa Linggo (November 11) na kinapapalooban ng mga exhibitors mula sa Ilocos, Quezon Province, QC, Benguet, Cordillera, Mandaluyong, Nueva Vizcaya at Bicol.

 

 

Show comments