Rough road ahead
Sa kasagsagan ng pananalasa ng San Miguel Beer “Death Squad,” hindi sila nagkaroon ng tsansa na masungkit ang Grand Slam.
Pinaka-malapit nilang maabot ang season sweep noong two-conference Season 48 nang kunin nila ang Commissioner’s Cup championship at pagkatapos eh marating ang kasunod na All-Filipino finals.
Pero hindi rin hinayaan ng Meralco Bolts na makamit nina June Mar Fajardo at mga kasama ang kanilang pangarap.
Una rito, naka back-to-back title runs ang San Miguel noong 2017 and 2019 pero hindi inabot ang finals ng third conference, kaya’t hindi nagka-tsansa sa Grand Slam.
Season 2013-14 huling natuhog ang Triple Crown sa PBA – nakamit ng grupong pinangunahan ni James Yap sa ilalim ni coach Tim Cone.
Puntirya ito ngayon ng Tropang 5G matapos ang pamamayagpag sa Governors’ Cup at sa Commissioner’s Cup – kasama ang kanilang workhorse import na si Rondae Hollis Jefferson.
Ang malaking katanungan eh sino ang pupuno sa butas na iniwan ni RHJ. Yan ang malaking pasanin para sa Tropang Giga kung sila ay magkakatsansang makadikit sa Grand Slam.
Sisimulan nila ang kanilang kampanya na hindi kasama si RHJ kontra NLEX sa resumption ng All-Filipino tourney ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kung makakabalik sina Jayson Castro at Brandon Ganuelas-Rosser ng maaga mula injury ay malaking tulong para sa TNT.
Pero kahit kumpleto man sila, malamang na dadaan sa butas ng karayom o babagtas sa rough road para marating ang glorya.
- Latest