^

PM Sports

Golden Petita at Giselle’s Princess maghaharap sa 3YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtatapat ang Golden Petita at Giselle’s Princess sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga bukas (Biyernes) sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Makakatagisan din ng bilis ng Golden Petita at Giselle’s Princess ang anim pang kalahok sa event na nakalaan ang P22,000 added prize para sa winning horse owner.

May distansyang 1,200 meter race, makakalaban ng Golden Petita at Giselle’s Princess ang Crown Prince, Bread N Butter, Bumabaga, Peer Less, Breakthrough at Memory Of  The Sun.

Rerendahan ni jockey Noel C. Lunar si Golden Petita habang sasakyan ni O’Neal Cortez si Giselle’s Princess sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Ibubulsa naman ng breeder ng mananalong kabayo ang P4,500 habang  P1,000 at P500.00 ang second at third, ayon sa pagkakasunod.

Pakakawalan ang nasabing karera sa unang race sa alas-5 ng hapon, simula rin ng winner take all (WTA) na isa sa paboritong tayaan ng mga karerista.

Samantala, pitong karera ang pakakawalan ng MMTCI ngayon kaya tiyak na masisiyahan ang mga mananaya sa kanilang pag­lilibang.

 

vuukle comment

MAIDEN RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with