^

PM Sports

Lady Pirates balik uli sa itaas

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling kumapit sa top spot ang Lyceum of the Philippines Lady Pirates matapos nilang kalusin ang University of Perpe­tual Help Lady Altas, 25-21, 24-26, 18-25, 25-22, 15-11, kahapon sa NCAA Season 99 women’s volleyball na nilaro sa Filoil EcoOil Arena.

Nagliyab sa opensa si Janeth Tulang upang akbayan ang Intramu­ros-based squad sa panalo at isalo sa three-way tie sa top spot ng team standings.

Tumikada si Tulang ng team-best 20 points, mula sa 18 spikes at dalawang pamatay na service aces upang ilista ang 4-0 karta katulad ng defen­ding champions College of Saint Benilde Lady Bla­zers at Letran Lady Knights.

Bumakas sina power-hitting tandem Joan Doguna at Johna Dolorito ng tig-19 markers para sa Lady Pirates na napalaban ng todo ng masagad ang kanilang bakbakan sa limang sets.

Naghabol ng isang set ang LPU sa unang tatlong frames, matapos makuha ang unang set ay luma­gapak ang Lady Pirates sa sets 2 at 3.

Pero hindi nasira ang diskarte ng LPU, sinikwat nila ang huling dalawang frames upang maangkin ang panalo.

Naligtasan ng Lady Pirates ang maalab na performance ni reigning MVP Mary Rhose Dapol na kumana ng 35 points kasama ang 13 power kills para sa Lady Alatas na nalasap ang pangalawang talo sa apat na salang.  

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with