^

PM Sports

Sina Jerusalem at Marcial

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa pamamagitan ni Melvin Jerusalem, nakaranas ng muling pagkabuhay ang Philippine pro boxing.

Sa memorable Easter Sunday fight card sa Nagoya, Japan, hininto ni Jerusalem ang sadsad ng mga Filipino boxers sa championship fights sa paggapi kay WBC minimumweight title-holder Yudai Shigeoka.

Dalawang beses pinabagsak ni Jerusalem ang Ha­pones at pagkatapos eh, nagpakatatag sa slam-bang fight para humugot ng split decision victory.

At eto ang naghudyat sa pagbabalik ni Jerusalem bilang world champion matapos ang panandaliang reign bilang WBO titlist sa parehong weight category noong 2023.

At eto rin ang pumutol sa sunud-sunod na talo ng mga Pinoy fighters sa international fights – kasama na ang mga talo sa mga naunang laban sa Japan nina Marlon Tapales, Jerwin Ancajas at Jonas Sultan.

Siyempre, nariyan din si Eumir Marcial, pero muk­hang mahaba pa ang kanyang tatahakin bago makuha ang title fight.

For one, muling matutulog ang kanyang pro career para sa kanyang ikalawang pagsabak sa Olympics.

Kung nauwi sa bronze-medal finish sa Tokyo Games, determinado si Marcial na tumodo at makuha ang ginto sa parating na Paris Games.

At para na niyang naakyat ang tuktok ng mundo kung makukuha niya ito.

vuukle comment

MELVIN JERUSALEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with