^

PM Sports

Kouame sasandigan ng E-Painters sa Jones Cup

Russell Cadayona - Pang-masa
Kouame sasandigan ng E-Painters sa Jones Cup
Rain or Shine coach Yeng Guiao

MANILA, Philippines — Huhugutan ng pu­wersa ng Rain or Shine si Gilas Pilipinas naturalized player Ange Kouame sa kanilang pagsabak sa 42nd Williams Jones Cup sa Taipei.

Kumpiyansa si coach Yeng Guiao na matutulungan ng 6-foot-10 na si Kouame ang Elasto Pain­ters sa hangad na back-to-back crown ng Pilipinas sa torneong nakatakda sa Agosto 12 hanggang 20.

“Si Ange Kouame ipinakiusap namin sa SBP (Samahang Basketbol ng Pilipinas) na kung hindi rin lang siya magagamit sa (FIBA) World Cup, kung puwede kami muna ang gumamit,” ani Guiao kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa PSC conference room.

Makakatapat ng Rain or Shine sa Jones Cup ang mga national teams ng Iran, Qatar, United Arab Emirates at Taipeh (Teams A and B) bukod sa Japan U-20 team, isang US team na kinakatawan ng University of California-Irvine at ang reigning KBL (Korean Basketball League) at EASL (East Asia Super League) champion An­yang KGC.

“We need his size, we need his experience, nag­laro na rin sa Jones Cup kasi si Ange at sanay din siya sa international competitions,” sabi ni Guiao sa dating sentro ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Makakatuwang ni Kouame bilang import si 6’10 Nick Evans na naglaro sa mga liga sa Japan, Colombia, Thailand at Lebanon.

Bukod kay Kouame, aasahan din ni Guiao sina Gabe Norwood, Rey Nambatac, Beau Belga, Anton Asistio, Gian Mamuyac, Leonard Santillan, Shaun Ildefonso at Andrei Caracut.

Ang Mighty Sports ang nagkampeon sa torneo na huling idinaos noong 2019 bago natigil dahil sa COVID-19 pandemic.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with