^

PM Sports

Poole bumanat ng 30 points sa panalo ng Warriors sa Bulls

Pang-masa
Poole bumanat ng 30 points sa panalo ng Warriors sa Bulls
Nagpreno si Jordan Poole ng Warriors para umeskapo kay Bulls’ forward Patrick Williams.

SAN FRANCISCO, Philippines — Nag­salpak si Jordan Poole ng 30 points tampok ang season-high na pitong three-pointers para akayin ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 119-111 panalo sa Chicago Bulls.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 26 markers at tumapos si Stephen Curry na may 19 points, 11 rebounds at 6 assists para sa 12-11 ba­raha ng Warriors.

Humakot naman si center Nikola Vucevic ng 23 points at 11 rebounds para sa 9-13 marka ng Bulls na nakahugot kina Zach LaVine at DeMar DeRozan ng 21 at 16 points, ayon sa pagkaka­sunod.

Ang triple ni LaVine sa huling 2:27 minuto ng fourth period ang naglapit sa Chicago sa 109-110 bago tumirada ng tres si Draymond Green para sa 113-109 abante ng Golden State.

Nag-ambag si Green ng 13 points, 10 rebounds at 9 assists para sa pang-siyam na sunod na panalo sa Warriors sa Chase Center.

Sa Phoenix, nagpasabog si Fil-American guard Ja­len Green ng 30 points sa 122-121 pagtakasa ng Houston Rockets (6-16) sa Suns (15-7).

Sa Milwaukee, nagpos­te si Anthony Davis ng season-high na 44 points at inungusan ni LeBron James si Magic Johnson sa NBA career assists list sa 133-129 paggupo ng Los An­geles Lakers (9-12) sa Bucks (15-6).

Naglista si James ng 28 points, 11 assists at 8 rebounds.

Itinaas niya ang kanyang career assist total sa 10,144 para sa sixth place kasunod si Johnson (10,133).

Sa Salt Lake City, kumamada si Lauri Markkanen ng 24 points at 13 rebounds para pamunuan ang Utah Jazz (14-11) sa 139-119 pagdaig sa Indiana Pacers (12-10).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with