^

PM Sports

Lastimosa isinalba ang Adamson

Russell Cadayona - Pang-masa
Lastimosa isinalba ang Adamson
Tumira si Jerom Lastimosa ng Adamson laban sa mga National University players.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Isinalpak ni senior guard Jerom Lastimosa ang isang three-pointer sa huling 5.5 segundo para iligtas ang Adamson University kontra sa National University, 64-63, sa se­cond round ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Lastimosa na may 7 points, 5 rebounds, 2 assists, 1 steal at 1 block para ibigay sa Soaring Falcons ang 7-6 kartada at manatiling buhay ang pag-asa sa No. 4 spot sa Final Four.

“Every game to us is a do-or-die game. That’s the mentality that we have going into every game,” ani coach Nash Racela. “Kailangan manalo, manalo, manalo, to stay alive.”

Ito naman ang pang-limang kabiguan ng Bulldogs para sa 9-5 baraha.

Pinamunuan ni Congolese center Lenda Douanga, kumolekta ng 16 points at 6 boards, ang 13-2 atake ng Adamson sa third quarter para kunin ang 53-48 abante sa NU papasok sa fourth period.

Matapos ang tres ni Lastimosa para sa 64-63 bentahe ng Soaring Falcons ay mintis naman ang tangkang triple ni Steve Nash Enriquez sa panig ng Bulldogs sa pagtunog ng final buzzer.

Samantala, inagaw ng talsik nang University of the East (5-9) ang 80-72 overtime win sa La Salle (6-7) para tapusin ang four-game losing skid.

Sinuwag naman ng Far Eastern University Tamaraws (5-9) ang 77-62 panalo sa University of Santo Tomas Growling Tigers (1-12).

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with