^

PM Sports

4 teams asam ang panalo sa paghataw ng PVL Reinforced Conference

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na koponan ang mag-uunahang makasikwat ng pambuenamanong panalo sa pagsisimula ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Sisimulan ng PLDT Home Fibr at Philippine Army ang mga bakbakan ngayong alas-2:30 ng hapon.

Masusubukan naman ang lakas ng baguhang Akari Chargers laban sa Cignal HD Spikers sa ikalawang laro sa alas-5:30 ng hapon.

Mamanduhan ang High Speed Hitters ni Russian outside hitter Elena Savkina-Samoilenko na inaasa­hang magdaragdag ng puwersa para sa kanilang tropa.

Subalit hindi lang ang Russian import ang gagawa para sa PLDT dahil nariyan sina middle blockers Mika Reyes at Dell Palomata na parehong itinanghal na Best Middle Blockers sa nakalipas na kumperensiya.

Tatapatan naman ito ng Lady Troopers sa ngalan ni Laura Condotta na bahagi ng Canadian national team sa beach volleyball tournaments.

Sa kabilang banda, malakas ang import ng Akari sa katauhan ni Dominican Republic national team pla­yer Prisilla Rivera na isang three-time Olympian.

Ang Cignal naman ay sasandal kay American im­port Tai Bierria katuwang sina Rachel Anne Daquis, Riri Meneses, Roselyn Doria, Gel Cayuna at Dheck Dionela.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with