^

PM Sports

Blazers sinolo ang liderato

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na ratsada ng College of Saint Benilde matapos igu­po ang Mapua University, 73-64, para umusad sa No. 1 spot  sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Gayunpaman ay hindi na­tuwa si Blazers’ head coach Charles Tiu sa ipi­­namalas ng kanyang tro­pa partikular na sa hu­ling san­dali ng laro.

“I’m very disappoin­ted. They don’t respect the game, they don’t play the right way, hindi kami maka-pull away,” galit na wika ni Tiu.

Bumandera para sa St. Benilde sina Miguel Cortez at Miguel Oczon upang buhatin ang ka­­­nilang tropa sa ikaa­nim na panalo sa pitong pagsa­lang para masolo ang li­derato.

Humataw si Cortez ng 17 points, habang gumawa naman si Oczon ng 14 mar­kers at 8 rebounds.

Dalawang sunod na tres ang pinakawalan nina Oczon at JC Cullar para dalhin ang Blazers sa 65-53 bentahe sa huling apat na minuto ng laro.

Subalit kumana ang Cardinals ng 5-0 run tampok ang isang three-point play ni Jeric Pido para ma­­kadikit sa 58-65 sa hu­­ling 3:13 minuto.

Nakalapit pa sa 62-69 ang Mapua ngunit ito na lamang ang kanilang nakayanan para makuha ng St. Benilde ang panalo.

Wala pa ring panalo ang Cardinals sa walong laro para manatili sa ila­lim ng team standings.

Nanguna para sa Ma­pua si Adrian Nocum na may 15 points at nagdagdag si Warren Bonifacio ng 14 points at 11 boards.

Sa ikalawang laro, pi­­­­nadapa naman ng nag­dedepen­sang Letran ang San Sebastian, 77-69.

Pinaganda ng Knights ang kanilang marka sa 4-3.

Nahulog naman ang Stags sa 2-4.

Umiskor si King Ca­ra­lipio ng 13 points para sa Letran at may tig-11 markers sina Louie Sangalang at Rafael Go.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with