^

PM Sports

SSL may bagong schedule

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang pamunuan ng Shakey’s Super League Collegieate Pre-season Championship na simulan nang mas maaga ang mga laro nito.

Mag-uumpisa ang pagpapatupad nito sa Oktubre 1 sa parehong venue sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz sa Maynila.

Mula sa dating alas-12 ng tanghali, magsisimula na ang unang laro sa alas-10 ng umaga.

Apat na laro pa rin ang idaraos kung saan ang ikaapat na laro ay nakatakda ng alas-5:30 ng hapon.

Posibleng nais ng mga organizers na maiwasang maulit ang laro ng University of Santo Tomas at Adamson University na umabot ng madaling araw dahil umabot sa limang sets ang mga naunang laro.

Sa Sabado, maglalaro ang University of Santo Tomas at San Sebastian College-Recoletos sa alas-10 ng umaga kasunod ang duwelo ng University of Perpetual Help System Dalta at University of the East sa alas-12:30 ng tanghali.

Sisimulan naman ng Ateneo at La Salle ang kampanya nito sa pagharap sa magkaibang karibal.

Hahataw ang Ateneo kontra sa Arellano University sa alas-3 ng hapon habang aariba naman ang La Salle kontra sa Far E­astern University sa alas-5:30 ng hapon.

Magpapatuloy ang bakbakan sa Linggo, Oktubre 2, kung saan papalo ang laban ng Perpetual Help at University of the Philippines (10 a.m.) at ng Adamson at San Sebastian (12:30 p.m.).

Susundan ito ng engkuwentro ng Mapua University at San Beda University (3 p.m.) at Jose Rizal University at Arellano (5:30 p.m.).

Inilipat naman sa Oktubre 22 ang mga nakanselang laro noong Linggo dahil sa bagyong Karding.

Masisilayan na sa na­tu­rang bagong petsa ang salpukan ng reigning NCAA champion College of Saint Benilde at Colegio de San Juan de Letran sa alas-10 ng umaga kasunod ang laban ng Emilio Aguinaldo College at Adamson (12:30 p.m.), UST at Lyceum of the Philippines University (3 p.m.) at UP at Mapua (5:30 p.m.). 

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with