^

PM Sports

Buy 1-take-1 derby sa Roligon sa Oktubre

Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa na ang Roligon Mega Cockpit sa pagsalubong sa inaasahang mas masiglang cock season bagama’t kasalukuyang nasa kalagitnaan pa ng stag season.

Unang isasalang ang “Buy-1-Take-1 sa Roligon” 5-Cock Derby para sa 2022-2023 cock season opener sa sabungan sa Parañaque City na may P4 milyon guaranteed prize para sa maliit na entry fee na P4,400 at pinakamababang pusta na P4,400.

“Ang kakaiba sa derby na ito ay kapag sumali ka at nagbayad ka ng entry fee na P4,400, puwede ka pang magpasok ng isa pa na libre na ang entry fee basta pareho ang entry name na gagamitin,” ani Ka Lando Luzong na host ng pasabong kasama si Shirley Acson.

May 10 na two-cock eliminations ang Buy-1-Take-1 5-Cocker na nakatakda sa Oktubre 31; Nobyembre 3, 7, 10, 14, 17, 19, 21, 24 at Disyembre 1 kung saan may nakatayang day champion prize na P75,000 bawat araw.

Kailangang makapagtala ng dalawang panalo sa eliminasyon para makapasok sa finals ng event na inihahandog din ng Thunderbird Power Feeds.

Itinakda sa Disyembre 5 ang 3-cock cham­pionship Part 1 (lahat ng 2-pointers mula sa 1st, 2nd, 3rd & 4th elims) at sa Dis­yembre 12 (Lunes); ang 3-cock championship Part 2 (lahat ng 2-pointers mula sa 5th, 6th & 7th elims).

Ang 3-cock cham­pionship Part 3 (lahat ng 2-pointers mula sa 8th, 9th & 10th elims) ay sa Dis­yembre 15.

Ang champion’s prize ay P2,500,000, ang total day champion’s prize ay P750,000, ang may 4 points prize ay P500,000.

Ang mga interesado ay maaaring magpalista na sa Roligon Mega Cockpit 0920-9509090; 0926-7134069; 0917-3246199.

vuukle comment

COCKFIGHTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with