^

PM Sports

Magsayo naisuko ang WBC title kay Vargas

Russell Cadayona - Pang-masa
Magsayo naisuko ang WBC title kay Vargas
Dumulas sa dibdib ni Pinoy fighter Mark Magsayo ang left straight ni Rey Vargas ng Mexico sa kanilang WBC featherweight championship fight.

MANILA, Philippines — Naisuko ni Pinoy pride Mark Magsayo ang kanyang suot na World Boxing Council (WBC) featherweight crown matapos ang split de­cision loss kay Mexican Rey Vargas kahapon sa The Alamodome sa San Antonio.

Binigyan ni judge Jesse Reyes si Magsayo ng 114-113 points, habang pumabor kay Vargas sina judges Tim Cheatham (115-112) at David Sutherland (115-112).

Ito ang unang kabiguan ni Magsayo sa 25 laban tam­pok ang 16 knockouts.

Nangako ang 27-anyos na si Magsayo na babawiin ang korona kay Vargas sa isang rematch.

“It’s this today, no matter what I’ll come back stronger, I’m disappointed but I did my best,” wika ni Magsayo na lumalaban sa ilalim ng MP Promotions ni Manny Pacquiao.

Bunga ng kabiguan ni Magsayo ay wala nang Pinoy boxer na humahawak ngayon ng world boxing crown.

Nagretiro na ang world eight-division champion na si Pacquiao, habang naisuko nina Rene Cuar­to (International Bo­xing Fe­deration minimumweight) at Nonito Donaire Jr. (WBC bantamweight) ang kanilang mga titulo.

Naagaw ni Vargas (36-0-0, 22 KOs) ang WBC belt ni Magsayo bagama’t bu­­magsak sa ninth round.

“I’m at a loss of words. I worked hard for this. I want to thank God, my family, (trai­ner) Nacho (Beristain),” sabi ng Mexican na nauna nang naghari sa WBC super bantamweight division.

Maganda ang panimula ni Magsayo kung saan ilang solidong suntok ang naiko­nekta niya kay Vargas.

Isang matigas na right hand ang ipinatama ng 5-foot-6 na tubong Tagbila­ran City, Bohol sa mukha ng 5’10 na Mexican na nagpabagsak rito sa ninth round.

Subalit nakatayo si Vargas at naiwasan ang tangkang pagliligpit sa kanya ni Magsayo hanggang sa pagtunog ng bell.

Sa kabuuan ng laban ay nakapagpatama ng mas ma­­raming power punches si Vargas (135-of-339) kumpara kay Magsayo (92-of-250).

 

 

vuukle comment

MARK MAGSAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with