Arellano babalik sa winning form

MANILA, Philippines — Pakay ng nagdedepen­sang Arellano University na makabalik sa porma sa pagsagupa sa Lyceum of the Philippines Univer­sity sa pagpapatuloy ng NCAA Season 97 wo­men’s volleyball tournament sa Paco Arena sa May­nila.

Nakatakda ang engkuwentro ng Lady Chiefs at Lady Pirates nga­yong alas-2:30 ng hapon matapos ang bakbakan ng Emi­lio Aguinaldo College at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-12 ng tanghali.

Magkakasosyo ang La­­dy Chiefs at Lady Pi­rates sa five-way tie sa No. 2 spot kasama ang Jose Rizal, Mapua at San Sebastian tangan ang magkakatulad na 2-1 marka.

Solo ng season host St. Benilde ang liderato bit­bit ang 3-0 rekord.

Hangad ng Arellano na makabawi mula sa masaklap na kabiguan sa San Sebastian, 24-26, 24-26, 20-25.

Inaasahang reresbak sina Carla Donato at Nicole Sasuman para sa La­dy Chiefs.

Show comments