^

PM Sports

NBA Draft kinikiliti si Kai

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Bilang backup center ng Adelaide 36ers, ta­ngan ni Kai Sotto ang mga averages na 6.9 points, 4.38 rebounds, 0.57 assist at 51-percent field-goal shooting.

Papatapos na ang Australian National Basketball League regular season at sigurado nang hindi sila pasok sa postseason play.

Ang inaabangan ng mga fans ni Kai ay ang kanyang desisyon kung susubukan na ba niya ang kanyang suwerte sa paparating na NBA Draft o mananatili sa Adelaide team.

Cheering kahit sa anumang desisyon ni Kai ang kanyang Adelaide coach na si CJ Bruton.

“I’ll be having some popcorn watching him and sending him messages while he is playing in the NBA,” ani Bruton sa post-game press conference ng isa sa kanilang kalilipas lamang na laro.

Malaki ang paniwala ni Bruton na eventually ay mararating ng 7-foot-4 Pinoy phenom ang NBA.

Tangan niya ang kanyang future at hindi nagmamadali ang panahon sa edad niyang 19-anyos.

Turning 20 siya sa May 11, six weeks bago ang 2022 NBA Draft sa June 23.

Magiging birthday gift kaya kay Kai ang maa­aring pagtawag ng kanyang pangalan sa Draft Day?

Kung matutupad ang pangarap, si Kai ang magiging unang Filipino homegrown na narating ang NBA.

At makakahalubilo niya ang mga Fil-Am NBA players na sina Jordan Clarkson ng Utah Jazz at Jalen Green ng Houston Rockets.

Abangan!

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with