_pang-masa
^

PM Sports

TNT nalo sa pagbabalik-laro

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malakas pa rin ang signal ng TNT Tropang Giga sa kabila ng mahabang isolation matapos ang 79-69 panalo kontra sa Rain or Shine upang manatiling walang galos sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.

Naglista ng tig-13 puntos sina Troy Rosario at RR Pogoy para mamuno sa balanseng atake ng Tropang Giga, na kagagaling lang sa dalawang linggong isolation bunsod ng COVID-19 health and safety protocols ng PBA.

May 7 puntos, 2 rebounds, 3 assists at 1 steal si No. 4 rookie pick Mikey Williams sa kanyang debut sa TNT, may 2-0 baraha.

Sa unang laro, tumabo ulit ng 18 puntos si Player of the Week Ian Sangalang nang sinasagaan ng Magnolia ang Terrafirma (0-4), 105-83, para mapatatag ang kapit sa tuktok sakay ang apat na sunod na panalo.

Plano ng PBA na lumipat sa Batangas kung papayagan ng Department of Health kapag ipinatupad na ang mahipit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa Aug. 6-20.

RAIN OR SHINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with