_pang-masa
^

Gilas pa-Serbia ngayon

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang impresibong kampanya sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers, tutulak naman ngayon ang Gilas Pilipinas sa Belgrade, Serbia para sumabak sa mas malaking laban na FIBA Olympic Qualifying Tournament mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Lilipad paalis ng bansa ang Nationals pagka-pa-nanghalian para sa mahabang biyahe pa-Europa kung saan nag-aabang sa kanila ang pambihrang tsansa na makabalik sa Olympics matapos ang halos 50 taon.

Kasalukuyan pang naglalaro ang Gilas sa isang tune-up game kontra sa China habang isinusulat ang balitang ito bilang dagdag na preparasyon.

Magkakaroon pa ng ilang araw na ensayo ang Gilas sa Serbia bago sumalang sa aksyon sa Hulyo 1 at Hulyo 2 kontra sa host na Serbia at Dominican Republic, ayon sa pagkakasunod.

Dalawa lang mula sa Group A ang aabante sa knockout semifinals kontra sa makakapasok mula sa Group B na binubuo ng Italy, Puerto Rico at Senegal. Mula dito, isa lang ang mabibigyan ng tiket sa Tokyo Olympics.

Makakasama ng Serbia OQT winner ang mga mananalo sa iba pang OQT sa Lithuania, Croatia at Canada patungong Tokyo kung saan nag-aabang na ang USA, Spain, Japan, Iran, France, Australia, Nigeria at Argentina.

Underdog na maitutu-ring ang Gilas subalit may masasandalang ins-pirasyon matapos makumpleto ang 6-0 sweep sa Group A ng Asia Cup Qualifiers upang pormal na makapasok sa FIBA Asia Cup proper sa Agosto.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with