^

PM Sports

Babalik na sa NCR ang mga PBA teams?

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na makabalik-ensayo na sa NCR Plus ang mga PBA teams ngayong linggo mula sa mga kasalukuyang training camps sa Batangas, Pampanga at Ilocos Norte.

Nagpahiwatig na ang ilang government officials na malaki ang pag-asang tatanggalin  na ang ‘restrictions’ sa kasalukuyang General Community Quarantine (GCQ) status ng NCR Plus bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 dito.

Ihahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classifications sa kanyang talumpati as of presstime kagabi dahil mapapaso na ngayon ang umiiral na GCQ ‘with restrictions’  sa NCR Plus.

Sa ilalim ng regular na GCQ status ay pinapayagan ang pagbubukas ng mga indoor sports courts at gyms na magbibigay-daan sa mga PBA teams na makabalik sa kanya-kanyang home training venues sa NCR Plus.

Noong nakaraang buwan pa nagbigay ng go-signal ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa PBA para makapag-training pati na ang dikdikang 5-on-5 scrimmages sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ o pinakamaluwag na Modified GCQ.

Huling nakapagsanay ang PBA sa NCR noong Marso bago ang COVID-19 surge at implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) bago ibinaba sa Modified ECQ at sa GCQ ngunit ‘with restrictions.’

Pinayagan na uli ng IATF ang pagbubukas ng gyms noong nakaraang linggo sa NCR Plus ngunit para sa non-contact sports lang muna.

Balak ng PBA na si-mulan ang 2021 Season sa katapusan ng Hunyo o Hulyo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with