^

PM Sports

Matinding parusa dapat-- Romero

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas mabigat na parusa- ang dapat ipataw sa mga players, coaches at officials na sangkot sa kontrobersyal na VisMin Super Cup match sa pagitan ng Lapu-Lapu City at Siquijor.

Ito ang opinyon ni da-ting amateur basketball ‘godfather’ at Deputy Speaker Mikee Romero ukol sa sinasabing ‘pambabababoy’ sa basketball ng dalawang koponan.

“For showing disgraceful acts, the players, staff, officials and the persons behind these shenanigans must be severely pu-nished,” wika ni Romero, ang kinatawan ng 1Pacman Partylist sa Kongreso.

Gusto rin ng sportsman/politician na ipa-ban ang mga sangkot sa nasabing kontrobersiya sa lahat ng mga liga sa bansa.

“They have no place in Philippine Sports, basketball in particular,” dagdag pa ng sportsman/politician na umaasang maipapasa ang kanyang itinutulak na batas para maparusahan ang mga sangkot sa game fixing.

Nanawagan si Romero sa lahat ng law enforcement agencies na paigtingin ang kanilang imbestigasyon sa nangyari sa VisMin Cup na para sa kanya ay paninira sa imahe ng sports.

Inaprubahan na sa Kongreso sa third at final reading ang mga kaparusahan sa game fixing sa botong 211-0.

Layunin ng House Bill 8870, akda ni Romero, na maprotektahan ang integridad ng anumang sports laban sa mga game-fixers.

vuukle comment

MIKEE ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with