Milwaukee nalo kahit wala si Giannis

MILWAUKEE — Kumolekta si guard Jrue Holiday ng 28 points aassists at nalampasan ng Bucks ang hindi pag-lalaro ni Giannis Antetokoumpo para talunin ang Indiana Pacers, 140-113.

Ito ang pang-pitong sunod na ratsada ng Milwaukee (28-14).

Ipinahinga ng Bucks si Anteto-kounmpo dahil sa kanyang sprained left knee na nalasap ng reigning two-time NBA MVP sa nauna nilang 120-113 panalo sa San Antonio Spurs noong Sabado.

Hindi naman naglaro para sa Pacers (19-23) ang mga injured na sina guard Malcolm Brogdon (sore lower back) at Myles Turner (sprained left ankle).

Sa Chicago, umiskor si Donovan Mitchell ng 30 points habang nagposte si Rudy Gobert ng 21 points, 10 rebounds at career-high 9 blocks para sa 120-95 paglampaso ng Utah Jazz (31-11) sa Bulls (19-23).

 

Show comments