Se Griffin sa Brooklyn na

Blake Griffin

NEW YORK — Tuluyan nang pumirma si six-time All-Star forward Blake Griffin sa Brooklyn Nets para sa kabuuan ng season matapos ang buyout sa Detroit Pistons.

Gagamitin ng Nets ang isa sa kanilang veteran-minimum-contract slots para sa pagpapalagda sa 31-anyos na si Griffin.

Lumakas nang husto ang Brooklyn sa pagdating ni Griffin na makakatulong kina James Harden, Kevin Durant at Kyrie Irving.

Muli ring makakasama ni Griffin, nagposte ng mga averages na 12.3 points, 5.2 rebounds at 3.9 assists sa 20 games para sa Detroit ngayong season, sa Brooklyn ang kanyang dating Los Angeles Clippers teammate na si DeAndre Jordan.

Binayaran ng Pistons ang natitirang $56.5 milyon sa kontrata ni Griffin.

Sa pagkakaroon ng luxury tax ng Nets sa susunod na season ay maaari na nilang alukin ng mas malaking kontrata si Griffin bilang isang free agent.

Samantala, tagumpay ang pagdaraos ng 2021 All-Star Game kamakalawa nang walang players, coaches o game officials ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) habang sila ay nasa Atlanta.

Kasama sa mini bubble sina Philadelphia 76ers stars Joel Embiid at Ben Simmons pero hindi pinaglaro sa All-Star Game dahil sa contact tracing matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanilang barbero.

Negative din sa COVID-19 test sina Embiid at Simmons.

 

Show comments