^
James bida sa Lakers win

James bida sa Lakers win

(Pang-masa) - March 2, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Pinadapa ng nagdedepensang Lakers ang Golden State Warriors, 117-91, tampok ang 19 points ni LeBron James para sa kanyang ika-1,300 re-gular-season appearance.

Si James ang pang-23 player sa NBA history na may pinakamaraming regular-season games.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lakers (24-11) matapos isuko ang lima sa anim nilang laro sapul nang magkaroon si Anthony Davis ng right calf strain noong Pebrero 14.

Pinamunuan ni Eric Paschall ang Warriors (19-16) sa kanyang 18 points habang may 16 at 14 markers sina Stephen Curry at Kelly Oubre Jr., ayon sa pagkakasunod.

Sa Milwaukee, humataw si Giannis Antetokounmpo ng 36 points upang igiya ang Bucks (21-13) sa 105-100 paggupo sa LA Clippers (24-12) para sa kanilang pang-limang dikit na ratsada.

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with