^
Jordan Clarkson nagbida sa Jazz
Jordan Clarkson

Jordan Clarkson nagbida sa Jazz

(Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

DENVER — Tinulungan ni Fil-American reserve guard Jordan Clarkson ang Utah Jazz sa kanilang five-game winning streak.

Humataw si Clarkson ng 23 points habang may 18 markers si star guard Donovan Mitchell sa 109-105 pag-eskapo ng Jazz laban sa Nuggets sa rematch ng kanilang first-round playoff series noong nakaraang season.

Matapos ang three-point shot ni guard Jamal Murray na naglapit sa Denver sa 105-107 sa huling pitong segundo ay isinalpak naman ni center Rudy Gobert ang isang slam dunk para selyuhan ang panalo ng Utah.

“It’s not always going to be sunshine and rainbows where we execute the game plan 110%,” wika ni Mit-chell. “We went out there and for us, just asserting our will. Finding ways to win the game by any means necessary.”

Tumapos si Gobert na may 15 points at 13 rebounds para sa 9-4 record ng Jazz. Humakot si center Nikola Jokic ng 35 points, 14 rebounds at 9 assists sa panig ng Nuggets (6-7) at may 30 markers si Murray.

Samantala, dalawang laro ang na-postpone-- Philadelphia vs Oklahoma at Cleveland vs Washington-- dahil sa COVID-19 safety protocols.

Hindi umabot sa mi-nimum na 8-players ang Sixers dahil sa contact tracing habang anim ang nag-positive sa covid sa Wizards roster.

Sa Boston, kumolek-ta si Julius Randle ng 20 points at 12 rebounds, habang may 19 markers at 11 boards si RJ Barrett para sa 105-75 pagmasaker ng New York Knicks (6-8), napigilan ang five-game losing streak, sa Celtics (8-4).

Sa Dallas, kumalawit si center Lauri Markkanen ng 29 points at 10 rebounds at humugot si Garrett Temple ng 15 sa kanyang season-high 21 points sa second quarter para sa 117-101 panalo ng Chicago Bulls (5-8) kontra sa Mavericks (6-6).

 

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with