^

Perez, Pogoy, Troy balik sa Gilas Pilipinas

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - January 12, 2021 - 12:00am

Madaling hulaan na sina CJ Perez, RR Pogoy at Troy Rosario ang makakasama ni Kiefer Rave-na na PBA players sa laban ng Gilas Pilipinas sa February window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark, Pampanga.

Sila ang anchors ng Gilas lineup na tumalo sa Indonesia sa Window 1 kasama ang iba pang PBA players na sina Poy Erram, Justin Chua at Abu Tratter.

Pero lahat sila eh  ‘di nakasama noong November window sa Manama, Bahrain dahil kasaluku-yang nasa Clark bubble ang PBA.

Dahil haharap sa mas mahirap na pagsubok kontra sa archrival na South Korea at dahil season break ang PBA, muling gagamit ng PBA players ang Gilas sa huling salvo ng Group A plays na kinabibilangan ng Pilipinas, Korea, Indonesia at Thailand.

Pumasok na sa Calamba bubble training si Ravena at Gilas cadets Isaac Go, Matt at Mike Nieto, Rey Suerte, Javi Gomez de Liano, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Calvin Oftana, Will Navarro, Kenmark Carino at naturalization prospect Ange Kouame.

Ang kuwestiyon ay sino ang mga pros na handang pumasok muli sa bubble upang mag-serve sa national team.

Hindi bababa sa 10 ang tinatarget ng SBP na PBA players. Ayon sa aking sources, hindi makukuha ang lahat dahil sa injuries.

Ang malamang na sasama uli kay Ravena sa pagsuot ng Gilas uniform ay sina Perez, Pogoy at Rosario.

May iniinda ang mga tulad nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at Poy Erram. Ang tanong ay kung sinong experienced big men ang sasamang gumiya sa mga Gilas Youth?

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with